tag:blogger.com,1999:blog-27252222.post8280538117738984544..comments2023-07-18T15:13:27.900+02:00Comments on Maria went to "The Netherlands": Christmas 2006, New Year 2007: A RetrospectMariahttp://www.blogger.com/profile/12498344945197909227noreply@blogger.comBlogger1125tag:blogger.com,1999:blog-27252222.post-88510769237946099932007-01-29T09:08:00.000+01:002007-01-29T09:08:00.000+01:00Magandang araw po sa inyo,
Ako po si M. Reveill...Magandang araw po sa inyo,

Ako po si M. Reveillex E. Lim, isang fouth-year BA Sociology student ng University of the Philippines, Diliman. Sa kasalukuyan semestre na magtatapos sa buwan ng Marso, ako po ay nagsasagawa ng pagsasaliksik tungkol sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa pamamagitan ng pagbasa at pagunawa sa kanilang mga blog entries.

Maaari ko po bang i-download at pag-aralan ang inyong mga blog entries mula sa pinakaunang buwan sa inyong archives hanggang sa inyong January 2007 entries? Isa po ang inyong blog site sa aking napili dahil sukat pong mayaman ito sa mga kwento at paglalahad na lubos na makakatulong sa aking mga layunin:

Maunawaan ang mga mahihirap at masasayang karanasan ng isang OFW na kadalasang hindi
nakikita o nalalaman ng karamihan ng mga Pilipinong nasa Pilipinas

Ipakita ang mga karanasan o sitwasyong kinaharap ng mga OFW na maaaring makabuwag sa mga taliwas na mito o “myths” tungkol sa kanila, ang mga dayunang tao at ang dayuhang bansang kanilang pinagtatrabahuan

Unawain ang mga pagbabagong isinasagawa at nararanasan ng mga OFW sa kanilang patuloy na pamumuhay sa ibang bansa sa aspeto ng kanilang kultura (gawi, pananaw, kilos)

Matukoy ang mga iba't iba pang aspeto ng buhay ng mga OFW na kanilang isinasakripsiyo habang namamasukan at nananatili sa ibang bansa

Matukoy ang mga “migration intetions” ng mga OFW bukod sa pang-ekonomiyang kadahilanan

Nais ko po kayong paalalahana na ang mga layunin na aking isinaad sa taas ay maaaring magbago pa na maaaring maidulot ng aking mga matutunghayan sa inyong blog entries.

Higit po sa lahat, mariin kong ipinapaalam sa inyo na pangangalagaan ang inyong “privacy” at “anonymity” sa naturang pagsasaliksik na ito.

Maaari niyo po akong i-e-mail sa address na ito: RevLim1987@yahoo.com

Umaasa po ako sa inyong pagpapaunlak sa aking pananaliksik.

Lubos na gumagalang,
M. Reveillex LimAnonymousnoreply@blogger.com